Friday, March 13, 2009

PLONING


Ang Ploning, isang Cuyonon folk song, ay tungkol sa pagnanais ng isang lalaki sa kaniyang minamahal na siya ay hintayin and alalahanin sa kaniyang pagalis patungo sa ibang lugar. Inilalarawan sa huling banda ng kanta ang kahilingan ng lalaki na magtago ang babae ng isang bato na nakabalot sa panyo bilang paalala na ang kaniyang pagmamahal sa kaniya ay hanggang wakas. Ito ay isang napaka gandang kanta. Mabagal at madamdamin ang kanta na ito at ito ay nagsilbing tagapagpauang nagkukuwento at pambansang himig ng pelikula na isinagawa ni Dante Nico Garcia.

Ang Ploning ay kuwento ng pangako ng isang babae, ng kaniyang pag-asa at ng kaniyang pagmamahal na ipinakita mula sa pananaw ng isang batang lalaki. Sa isla ng Cuyo, Palawan, dumako ang isang ilegal na Taiwanese na sasakyang-pandagat na may sakay na isang Pilipinong mangingisda at siya ay si Muo Sei (Bodjong Fernandez), isang lalaki na lumaki sa ibang bansa na naghahanap sa isang babae na may palayaw na Ploning. Lumaki siya bilang isang lalaki na hindi kumpleto at malunkot sapagkat kanyang nararamdaman na tila ba may kulang sa buhay niya. Natatakot ang kaniyang adoptive na itay na isang Taiwanese ba baka siya ay mahuli kung kaya’t sinabihan na lamang niya si Muo Sei na hanapin at tuklasan kung sino si “Ploning” bago pa lumubog ang araw. Ito ay makaktulong sa kaniya upang kaniyang maintindihan ang daloy ng kaniyang buahy at mabago niya ang mga kinakailangan niyang baguhin. Walang nakakaalam kung sino o kung ano si Ploning sa buhay ni Muo Sei at walang sino man ang sumubok na magtanong…at ditto nagsimula ang kaniyang paghahanap. Sa kaniyang paghahanap, natuklasan niya na si Ploning pala ay ang itinuturing na “town belle” sa taong 1982. Siya ay minamahal sa kanila dahil sa kaniyang pagiging suportibong kaibigan sa lahat. Sa mata ni Digo, si Ploning ay isang masunurin na anak kay Susing (Tony Mabesa), isang dedikadong taga-suporta sa nangungulilang si Intang (Gina Pareno), isang honorary na kapatid sa (extended) kapamilyang sina Nieves (Ces Quesada) at Toting (Crispin Pineda), isang mahusay na ally sa simpleng si Alma (Meryl Soriano), isang taga-suporta sa nawasak ang puso na si Siloy (Lucas Agustin), isang “co-mother” sa half-paralyzed na si Juaning (Eugene Domingo), at isang mabuting kaibigan sa nars na si Celeste (Mylene Dizon). Dahil sa kaniya ay hindi gaanong napapansin ng mga mamamayan sa kanilang bayan ang kawalan ng ulan. Tunay na isa siyang importanteng babae sa kanilang bayan. Subalit kahit na siya ay sikat sa kanila, malungkot padin ang kaniyang buhay dahil sa di pagbabalik ng kaniyang kasintahan nakalipas na ang 14 na taon. Mula dito, ang pelikula ay umikot mula sa relasyon ni Ploning sa mga mamayan sa kanilang bayan at ang kaniyang espesyal na relasyon sa kaniyang itay at sa batang si Digo. Si Ploning ay isang Cuyonon native na natiling matiyaga sa paghihintay muling pagbalik ni Tomas, ang kanyang nobyo na lumuwas ng Maynila makalipas ang ilang taon at hindi pa muling nagbalik. Pinalilibutan ang buhay ni Ploning ng iba’t-ibang babae na nakararamdam din na tila may kulang sa kanilang mga buhay, tila ba sila ay hindi kumpleto: Si Celeste, isang city nurse na naglakbay patungo sa isla ng Cuyo at doon ay nahanap niya ang nawawalang aspeto sa kaniyang buhay; Si Alma, isang housewife na tila ba ay walang kasama sa buhay kundi ang kaniyang radyo habang ang asawa niya ay nagtatrabaho sa ibang lugar; Si Nieves, isang babaeng namumuhay ng masaya sa piling ng kaniyang sariling pamilya ngunit ipinoproblema niya ang mga ambisyon ng kaniyang anak sa sarili.

Sa kabila ng kanyang kagandahan, lahat ay nagtataka kung bakit ayaw padin magpakasal ni Ploning at kung bakit patuloy padin siyang umaasa sa pagbabalik ng kaniyang nobyong si Tomas. 16 years old pa lamang si Ploning nang magtungo ng Maynila si Tomas at wala silang nababalitaan kung may balak pa itong bumalik sa kanilang bayan. Sa gitna ng lahat ng ito, ay isang 6 na taong gulang batang lalaki sa ngalan na Digo (Cedric Amit). Siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ni Ploning. Ang kanyang buhay ay umiikot sa pagmamahal ang pangangalaga ni Ploning, ang kaniyang ina-inahan. Ilang araw bago sumapit ang piyesta sa kanilang bayan, ang plano ni Ploning na maglakbay patungong Maynila upang hanapin si Tomas ay naging balita sa mga tao sa kaniyang paligid na nagdulot sa pag susuri nila sa likas na halaga ng pag-ibig, sakit, sa paghihintay. Si Digo ang siyang pinaka naapektuhan. Tila ba ang kaniyang buhay ay nawasak ng malaman niya na si Ploning ay may balak na dumayo sa Maynila. At pag ito ay mangyari, siya ay maiiwan sa kaniyang bed-ridden na ina, Juaning, at ang kaniyang mahigpit na nakatatandang kapatid na si Veling. Sinubukan ni Digo ang lahat lahat upang mapigilan si Ploning na umalis at siya pa ay nakahanap ng ally mula sa bisita sa kanilang bayan, si Celeste. Ayon kay Celeste ay may nakilala siyang lalaki na ang pangalan ay Tomas at siya ay napamahal dito kung kaya’t sinubukan niya itong sundan sa Cuyo upang malaman kung siya din ay mahal nito. Si Ploning na sobra sobra ang paniniwala, ay pilit na itinanggi na ang kaniyang Tomas at ang lalaki na minamahal ni Celeste ay magkaiba. Sa araw ng kanilang piesta, dumating at bumuhos ang ulan at kapansin pansin na tila nawawala si Ploning. Ang pakiramdam ni Digo na tila ba siya ay naulila ay nagresulta sa isang tragedya na ikinalungkot ng buong bayan. Ngunit walang sino man ang naging handa sa sikreto na itinago ni Ploning sa paglipas ng panahon.

Sa huli ay isang sikreto ang nabunyag kay Mui Sei na nagmulat sa kaniya sa pagmamahal na kanyang tinalikdan at hindi inintindi. Nalaman din niya na ang katotohan na hinahanap niya, at natuklasan niya kung sino si Ploning sa buhay niya. Digo o Rodrigo ang tunay niyang pangalan at si Ploning ang siyang nag-alaga sa kaniya nung siya ay bata pa at tinuring siyang parang sariling anak.

Mahusay na natugunan ng buong cast ang kani-kanilang mga karakter. Isinabuhay nila ang emosiyon na nakabalot sa katauhan ng kanilang karakter. Napatunayan ni Judy Ann Santos na siya ay karapat-dapat sa role na ibinigay sa kaniya. Siya ay mas sikat at kilala sa pag-arte sa mga romantikong comedies o kaya ay sa mga teledrama, Habang si Santos ay talaga naming epektibo sa pag-aarte, malaking halaga ng kasiyahan ay nanggaling mula sa pagganap ng mga supporting actors, lalong-lalo na si Soriano na naipakita sa kaniyang karakter ang pagkakahalo ng kababaang-loob at ng katapatan.
Ang Ploning ay makaluma at konserbatibo sa paglalarawan ng konsepto pagmamahal. Sa kabila nito, ito ay “satisfying” dahil hindi lamang nito naipakita ang mga emosyon sa puro na pamamaraan kundi naipakita din nito ang ibang aspeto ng rural life na hindi gaanong nabibigyang pansin. Natalakay din dito ang tungkol sa kamatayan maging ang pagpapatawad ng isang ama sa kanyang anak.

Masasabing simple lamang ang istorya ng Ploning. Ngunit kahit na ito ang kaso, ang isa ay after sa sikreto na mabubunyag. Bakit nga ba siya ay patuloy sa paghihintay? Bakit siya kaya natatanuran? Bakit siya hiwalay mula sa kanyang ama? Ano ang istorya sa likod ng kaniyang pagiging malapit sa batang si Digo? Nagustuhan ko ang Ploning. Ito ay isang pelikula na nagpakita ng isang di-pamiliar na kultura ngunit ang mga karakters nito ay pamiliar dahil sa kanilang sangkatauhan. Ang tema ng pelikulang ito ay “pagmamahal”. Balintuna, na kung saan ay na-iisip ng iba na ang paksa ng pelikula na ito ay romantikong pag-ibig, ito ay naging isa lamang abstraction dito. Ngunit ang pag-ibig sa pagitan ng mga kaibigan, sa pagitan ng mga kapitbahay, ina at anak, ama at anak na babae, sa pagitan ng kapatid na lalaki, ang isang indibidwal na ang pag-ibig para sa isang lugar na kanyang tinatanggap - ang pelikula ay gumagawa ng inyong paniniwala sa kabila ng lahat ng mga subtleties at walang ini-luma na. Nagustuhan ko naman ang mga teknikal na aspeto ng pelikula. Mahusay ang mga napiling musika. Tumutugma ito sa lahat ng aspeto ng pelikula. Napakaganda ng napili nilang lokasyon. Nakatulong ito sa pagpapaganda at pagbibigay buhay sa pelikula, Ngunit sa kabilang banda, aking masasabi na naging mahirap intindihin ang istorya dahil naging kumplekado ito dulot ng pagdagdag ng “layers”. Hindi gaanong napagtuunan ng pansin ang lahat ng karakters. Hindi lahat ay naipakilala ng mabuti. Ang naratibo ay masyadong kumplekado, sana ay mas simple nalamang. May mga eksena na naging magulo at masyadong blocked/staged. Ang iba naman ay naging awkward. Mahusay ang cinematography subalit hindi ito kasing galing na aking inakala. Bituin acting ng cast. Maganda ang cinematography ngunit masyado itong naging artipisyal. Nasobrahan ang “color at contrast ratio manipulation”. Kahit na may mga pagkukulang ang pelikulang ito at madami pang pwedeng baguhin dito, ang katapatan nito ang siyang nagpapatunay na sulit panoorin ito. May mga eksena na tila ay patag. Siguro ay dahil ito ay masyadong naging overexposed. Naguluhan naman ako sa ilan sa mga kuha sa pelikula lalong-lalo na sa eksena kung saan natagpuan na ni Digo kung nasaan ang kaniyang nakatatandang kapatid. Hindi gaanong maayos ang editing; masyadong maraming jarring cuts, unnecessary transitions, etc. Mahusay ang pagkakasulat ng script at ang pagkakagawa ng istorya ngunit may mga pagkakataon na ito ay nakakalito. Ako ay lubusang natuwa, nabilib, at humanga sa batang aktor na gumanap bilang Digo. Napaka natural naman ng pag-arte ni Judy Ann Santos. Karapat-dapat lamang na siya ang napiling gumanap bilang Ploning. Sa tingin ko ay taos-puso iong nagawa at sa huli ay nabayaran nito ang lahat ng nagging pagkukulang nito. Sa kabuuan, sulit at sapat ang oras na itinugon ng mga gumawa ng pelikulang ito at ng mga nakapanood nito. Ito ay nagpapatunay na nalampasan ng Ploning ang lahat ng pagkukulang nito. Sa huli, hindi man ito naging isang “masterpiece” tulad ng inaasahan ng madaming tao, maituturing parin ito na bilang isang mahusay na pelikulang Pinoy. Nais ko sana na madami pang tao ang makapanood nito. At bilang patunay na nagustuhan ko talaga ito at na hindi masasayang ang oras ng mga makakapanood nito, ako ay naiyak sa ilan sa mga eksena sa pelikulang ito. Hindi ako basta basta lamang nadadala sa istorya ng isang pelikula, pero dahil nadala ako sa kuwento ng Ploning, napatunayan ko sa aking sarili na tunay na maganda ito. Ploning ay ang tipo ng pelikula na tumatak sa tao. Matututunan sa pelikulang ito kung anu-ano talaga ang mga importanteng bagay sa ating buhay.

Kahit na hindi lahat ay nagbalak na panoorin ang Ploning, sigurado ako na madami naman ang nausisa sa kung ano ang maihahandog ng pelikulang ito. Lahat naman ng pelikula may kani-kaniyang "claim" sa sarili nila. Tao lang naman ang gumagawa ng kritisismo, pelikula ang nagsasalita para sa sarili niya. Ito ay napanindigan ng Ploning. Nagustuhan ko ito at ako ay nagagalak na nagbigay ako ng oras para panoorin ang pelikulang ito. Nirerespeto ko ang lahat ng kabilang sa paggawa ng pelikulang ito.

Wednesday, March 11, 2009

KABUGAN


Patuloy and Teatro Tomasino sa pagkamit ng kahusayan sa larangan ng teatro dahil sa mayaman nitong pamana sa sining at disiplinang teknikal. “Kabugan” ay ang pangalawang malaking produksyon para sa 31st season ng Teatro Tomasino.

Ang unang segmento ay pinamagatang “Kulay Rosas and Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ni RJ Leyran sa direksiyon ni John Paul Gonzales, isang sophomore student mula sa Faculty of Arts and Letters. Ito ay isang adaptation sa “The Loveliest Afternoon of the Year” ni John Guare. Tungkol ito sa isang lalaki at babae na nagkatagpo at nagkakilala sa zoo na unti-unting nagkamabutihan at patuloy na na nagkikita sa zoo na iyon kung kaya naman sa huli ay nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Ang lalaki ay may asawa ngunit ayaw niyang mapagusapan nila ni babae ang tungkol dito at ang ninais lamang na mapagusapan ay ang tungkol sa kasalukuyan at hinaharap. Sila ay bumuo ng isang walang hunos-dili na relasyon (tila ba pabigla-bigla ang kanilang mga desisyon maging ang mga nagyayari sa kanilang dalawa) hanggang sa mahuli silang magkasama ng asawa ni lalaki na siyang nagpaalala sa kanila sa katotohanang hindi sila maaring magsama at ito rin ang siyang nagwakas sa kanilang munting mundo na puno ng pantasiya.

Ang sumunod na segmento ay pinamagatang “Anino” ni Allan Lopez sa direksiyon ni Avengel Joseph Federis, isa ring sophomore student mula naman sa College of Education. Ito ay tungkol sa isang matandang dalaga na si Luna na nakahanap ng mapapangasawa at namuhay ng tahimik hanggang sa maging kalaguyo niya si Maryo, anak ng kanyang asawa. Nagbunga ang pagtataksil ng dalawa sa kanilang mga asawa at napatunayan ni Maryo na hindi siya baog. Sa paglipas ng panahon ay umamin narin si Maryo na siya ang nakabuntis kay Luna. Sa buong pagkakataon na nagdadalang-tao si Luna ay alam ng kaniyang asawa na ang bata ay hindi kaniya sapagkat hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataon na gawin ito. Ang sikretong itinago ni Luna at Maryo ang siyang naging dahilan ng pagkamatay ng asawa ni Luna. Pinatay ni Maryo ang kanyang ama ngunit lingid ito sa kaalaman ni Luna. Ang pagtakbo ni Maryo sa katotohanan ay naging dahilan ng walang tigil na paghahanap ni Luna sa katotohanan. Siya ay nagtago sa kagubatan ngunit maging doon ay ginugulo padin siya ng kaniyang mga multo, ng kaniyang konsiyensya. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ang kanilang sikretong kasalanan ay nagdulot ng maraming kamalasan at kalungkutan sa kanila, lalung-lalo na kay Luna. Nalaglag ang batang dinadala ni Luna. Habang tinatakbuhan ni Maryo ang katotohanan halos mabaliw naman si Luna sa kakaisip at sa pag-uusig ng sariling konsiyensiya. Nang malaman ni Luna ang katotohanan sa pag-amin ni Maryo ukol sa pagkamatay ng kanyang ama ay nagdisisyon itong bawian ng buhay ang nagkasala.

Aking masasabi na ang tema ng parehong kwento ay ang pagtalikod sa katotohanan, ang tunay na ideya at kahulugan ng katotohanan, at kataksilan. Maganda naman ang daloy ng istorya. Napagtuunan ng pansin ang mga mahahalagang eksena. Mahusay ang pagkakapili ng setting ngunit ang pagkakagawa ng set at maging ng mga props sa “Kulay Rosas and Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ay medyo sablay. Hindi malinaw ang ideya na sa “zoo” pala ang setting nito. Hindi ito masyadong sang-ayon sa kwento. Tungkol naman sa nilalaman ng mga kwento, mababaw lamang ang nilalaman ng naunang kwento. Karaniwan lamang ito kaya naman madaling mahuhulaan ang kahihitnan ng kwento. Wala itong “wow factor” na sana ay nagbigay buhay sa istorya. Sa kabilang banda, mahusay ang pangalawang kwento. Mahusay ang pagkakailaw. Nakatulong din naman ang kanilang mga kasuutan at make-up sa pagpapadama ng “ambiance” ng kuwento.

Para sa akin ay mas makatotohan ang pag-arte ng mga nagsipaganap sa Anino kumpera sa mga gumanap sa naunang segmento sapagkat aking nakita at nadama na hindi lamang sila basta umaarte. Damang-dama nila ang kalikasan at kuwento ng kanilang mga karakter at bigay todo ang kanilang mga emosyon na nakatulong sa pagkuha ng pansin ng awdyens (o madla) hanggang sa katapusan ng palabas. Aking nadama ang kilabot at misteryo ng Anino. Mahusay din naman ang mga nagsiganap sa naunang dula ngunit kulang sila sa emosyon kung kaya naman hindi gaanong nadama ang “kilig” o “chemistry” na dapat sana ay kanilang naipadama. Mahina rin ang boses ng mga nagsiganap rito kumpera sa sumunod na dula. Ito ay nakaapekto sa aking kawalan ng interes na panoorin pa ito. May mga pagkakataon din na mali ang kanilang mga blockings at di sang-ayon ang kanilang mga pwesto sa kanilang nararapat na anggulo. Dahil dito ay may ilang parte kung saan di tumugma ang pagkaka-ilaw sa teatro sa kani-kanilang mga pwesto.


Sa kabuuan, hindi ako masyadong nabilib sa produksyon dahil narin siguro ay naging mataas ang aking “expectation”. Dahil naman ito sa pangalan na naitaguyod ng Teatro Tomasino at dahil narin aking napansin na mahal ang pagkakabenta sa tiket. Mahusay at maganda naman ang palabas, ngunit ito ay hindi gaanong nakakabilib katulad ng aking inakala at inasahan. Iba iba man ang mga opinyon ng mga nakapanood nito, aking ninanais na patuloy nating suportahan ang Teatro Tomasino!

ROSES & KISSES ni Maria Karina Gandola

I. Synopsis

Ang aklat na pinamagatang “Roses & Kisses” ay tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na sinubok na ng panahon. Sa edad na labimpito (17), unang dumating ang pag-ibig kay Chela Rosales, isang freshman sa Nursing. Si Jerome de Silva (18), isang sikat na basketball star, at scholar sa kanilang unibersidad ang lalaking kanyang iniibig. Siya naman ay isang sophomore sa kursong electrical engineering. Maliban sa pagiging sikat at matalino ni Jerome, idagdag pa na maraming babae ang naghahabol sa kanya. Si Lyn na isa sa mga kaibigan ni Chela ang siyang nagpakilala sa dalawa sa isa’t-isa.

Nagkamabutihan ang dalawa at nauwi sa pagiging magkasintahan. Tutol ang mga magulang ni Chela na magkaroon na siya ng isang nobyo. Subalit ang kanilang puso ang siyang nagtutulak na sila ay magmahalan maging patago man ito. Nanatiling isang lihim ang kanilang relasyon ngunit hindi nagtagal ay nabunyag din ito. Si Judy na isa rin kaibigan ni Chela ang siyang nagsumbong kanila Aling Milagros at Mang Fredo, magulang ni Chela, tungkol sa relasyon at patuloy na pagkikita ng dalawang magkasintahan. Pilit na itinanggi ni Chela ang mga inaakusa sa kanya ng kanyang mga magulang at ito naman ay hindi ikinatuwa ng kanyang inay at itay at siyang ikinagalit nila. Datapwat ganito ang kanilang relasyon, nanatili parin magkita si Chela at Jerome hanggat sa dumating ang pagkakataon na kinailangan na nilang umiwas sa isa’t-isa para narin sa ikabubuti nila.

Isang araw ay bumisita si Chela sa dormitoryo ni Jerome at siya ay may nadatnang babae na natutulog sa kama nito. May narinig din siyang naliligo sa banyo at kaagad niyang isinaisip na ito ay si Jerome kaya’t hindi na siya nag abala pa na silipin ito at siniguradong ang babaeng nasa kama nito ay babae niya. Lubhang nasaktan si Chela kaya’t siya ay nagpasiya na umalis at pumunta sa Maynila at manirahan sa bahay ng kanyang Tiya Linda. Umalis siya na may poot at galit sa puso. Sa Maynila narin siya nagtapos ng kolehiyo.

Sa paglipas ng panahon, si Chela ay isang pledge nurse na at nagkaroon siya ng pagkakataong bumalik sa Dumaguete upang magbakasyon. Dito ay nabigyan siya ng oportunidad na magtrabaho bilang nurse sa General Hospital sa kanilang bayan. Ito ay kanyang tinanggap. Dito sa ospital ay muling nakita niya ang babaeng minsan niyang nadatnan sa kama ni Jerome. Siya ay nagulat nang malaman niya na ito pala ay kasintahan at ngayon ay asawa na ng pinsan ni Jerome na si Filemon. At dahil sa rebelasyon na ito, naliwanagan si Chela na siya ay nagkamali sa kanyang mga isinaisip noon at tunay nga na mahal siya ni Jerome. Sa huli ay nagkatuluyan ang dalawa na siya naming ikinatuwa nila maging ng kani-kanilang mga magulang.

II. Pagsusuri

Halong moderno at radikal na estilo ang ginamit ng may-akda sa partikular na aklat na ito. Ang lengguwahe ng awtor/tagapagsalaysay ay moderno sapagkat siya ay gumamit ng mga salitang ginagamit at maririnig sa kapanahunan natin ngayon. Ang tipo ng lengguwahe na ginamit niya rito ay madaling maintindihan lalong-lalo ng mga kabataan sapagkat ang mga salitang nabanggit sa libro ay siyang mga salita na ginagamit ng mga kabataan sa ngayon. Simple lang ang kanyang pananalita sa kanyang akda. Ukol naman sa himig ng pagkakasuklat ng may akda, sa unang parte ay payapang dumadaloy ang pagsasalaysay ngunit sa bandang kahulihan ay rumaragasa na ito. Impormal at bulgar ang paglalahad ng awtor sa kanyang akda. May malisya sa pagkakasabi sa ilan sa mga salita sa aklat at ito ay may kulay at tono kaya naman masasabi na konotasyon ito. Ang lebel ng lengguwahe ng may-akda ay masasabing wasto kung ito ay ipinararating ng awtor sa henerasyon ngayon; sa mga kabataan na tiyak ay nakakasalimuho o makakasalimuho rito. Sa aking palagay ay hindi isang master o dalubhasa ang nagsulat sa akdang ito dahil narin sa ilang balbal at gasgas na mga salita na ginamit nito. Makikita rin sa akdang ito ang paggamit ng mga tayutay. Halimbawa nito ay ang pagkukumpara ni Jerome sa matatamis na halik ni Chela sa mga rosas (Simile).

III. Kongklusyon / Rekomendasyon

Masaya ang pagkakatapos ng kwento sa aklat na ito. Ika nga isang “Happy Ending” sa salitang Ingles. Kahit na madaming tumututol sa pag-iibigan ni Chela at Jerome, sa huli ay nagkatuluyan at nagsama padin sila at lahat ay naging masaya. Masasabing pangkaraniwan ang kwentong ito sapagkat madami nang akda ang may ganitong istorya. At dahil narin dito, madaling maisasaisip ng kahit na sino ang kahihinatnan ng kwento.

Ang aklat na ito ay hindi talaga kinakailangang basahin. Kung ang intensyon ng isang tao ay magpalipas ng oras sapagkat siya ay walang magawa, maaari niyang isingit sa kaniyang oras ang pagbabasa ng aklat na ito. Ngunit hindi niya ito kinakailangang basahin o tangkilikin kung tunay na mahalaga ang bawat oras sa buhay niya.


Tuesday, March 10, 2009

DIYOS


Nakamulatan mo rin bang mayroong natatanging makapangyarihang Diyos na siyang lumikha ng kamunduhan at buong sangkatauhan? Ang salitang Diyos ay tunay na mahalaga kung kaya’t ito ang aking napili. Maaaring ito ay karaniwan nating naririnig at sinasabi ngunit marami sa atin ang hindi nagpapahalaga rito. Sa pagdaloy ng panahon na tayo’y nagkaisip, naunawaan nating ang buhay na ipinagkaloob sa atin ay hiram lamang. Tayo ay may hangganan din.

Sa kabila ng ating kaalamang mayroong Diyos, bakit nga ba tila tayo ay nakakalimot at di “SIYA” pinahahalagahan? Tayo’y naging manhid at abala sa kung anu-anong bagay, ngunit sa panahon ng kagipitan ay muli nating maaalalang Diyos ay tawagin. Masasabi kong higit na mahalaga ang paniniwala kaysa kaalaman lamang. Kasunod ng ating kaalaman at paniniwala ay ang pagsasabuhay ng mga ito sa ating mga gawaing pang-araw-araw. Inaalay ko ang bawat araw ng aking buhay sa ating Diyos at ito’y mananatiling umiikot sa kanya.

Siya ay Diyos ng pag-ibig; tunay na gumagabay at nanonood sa ating pang-araw-araw na ginagawa. Aanhin pa ang ganitong paniniwala kung hindi naman ito isinasabuhay. Kung ganito ang ating magiging pananaw sa buhay, saglit nating alalahanin: ano nga ba ang plano at misyon natin sa buhay? Magpasalamat tayo sa Diyos sa pagkakataon na mabuhay pa ng isang araw. Marami naman kasing bagay na maaaring gawin sa bawat araw na tayo’y humihinga pa. Gawin na ang mga kailangang gawin para di na magsisi. Hindi lang tao ang mamamatay, mas madaling mamatay ang pagkakataon. Oo nga, sinusubukan tayo ng buhay at magdadala ng malalakas na ihip ng pighati sa bawat pagsubok na tatahakin natin. Di dapat tayo sumuko. Dapat pasinagin ang apoy ng ating puso’t paniniwalang mayroong Diyos. Gumawa ng tama at nararapat lamang.

Di ba’t makabubuting sa takdang oras na tayo’y tawagin ay nakahanda ka na? Alalahanin nating may hangganan ang ating paglalakbay.